Nagpaalala ang Quezon City Government sa publiko na mag ingat sa nakakahawang sakit na Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD).
Ang sakit na ito ay dulot ng virus na nakukuha mula sa paghawak sa kontaminadong bagay o gamit ng taong may HFMD, pagbahing at pag-ubo, at malapitang pakikisalamuha sa taong may ganitong karamdaman.
Sa ulat ng QC Epidemiology Disease and Surveillance Division, karaniwang tinatamaan ng sakit ang mga bata.
Ilan sa sintomas nito ang lagnat na nagpapatuloy nang higit sa 3 araw,humihinang resistensya at dehydration.
Hanggang Disyembre 31, 2024, may kabuuan nang 147 na kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease ang naiulat sa lungsod.
Ang District 2 ang may pinakamataas na kaso na abot sa 38, sumunod ang District 4 na may 37 kaso.
Wala namang naiulat na may namatay na sa nasabing sakit.| ulat ni Rey Ferrer