Muling nanawagan si Quezon City Representative Marvin Rillo na maaksyunan na ang panukalang batas na magtataas sa sweldo ng mga nurse sa bansa.
Aniya nitong 2024, nasa 37,098 ang bagong rehistrong mga nurse sa Pilipinas. Ngunit wala aniyang katiyakan na lahat sila ipa-practice ang propesyon o kung dito sa bansa magtatrabaho.
Aniya, dahil sa pangangailangan na mabuhay ang pamilya may ilang mga nurse na pumapasok na lang sa ibang trabaho.
O kaya naman ay nangingibang bansa dahil mas mataas ang pa-sweldo doon.
“Largely due to the pressure to survive, some of them will likely try to seek immediate employment, even if it means taking on other jobs and not practicing nursing…We are not paying our new nurses enough to encourage them to practice their profession,” ani Rillo.
Kaya naman apela ng kinatawan, maaksyunan na ang House Bill 5276 na kaniyang inihain, kung saan itataas sa Salary Grade 21 ang buwanang sweldo ng mga entry-level nurse sa government hospital o katumbas ng 74% na pagtaas. | ulat ni Kathleen Forbes