Sa pagpasok ng 2025, isang emergency conference at surprise drug test ang pinangunahan ni Quezon City Police District (QCPD) Chief PCol. Melecio Buslig, Jr., sa hanay ng pulis-QC sa headquarters nito sa Camp Karingal, Quezon City.
Sa naturang pulong, binigyang-diin ni Buslig ang prinsipyo ng NCRPO na ‘ABLE, ACTIVE, at ALLIED’ bilang mahalagang pundasyon sa epektibong pagpapatrolya ngayong 2025.
Muli rin nitong ipinaalala sa hanay ng QCPD ang mahigpit na pagsunod sa Police Operational Procedures (POP), at pag-iwas sa anumang iligal na gawain.
Kaugnay nito, isang biglaang random drug test din ang ikinasa sa 96 na tauhan ng QCPD, kung saan lahat ay nagnegatibo.
Ayon sa QCPD chief, patunay ito ng kanilang commitment para sa isang drug-free na workplace at tapat na serbisyo para sa komunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸 QCPD