Red Cross, pinaalalahanan ang publiko na bantayang maigi ang kalusugan matapos ang Pasko at Bagong Taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa ang Philippine Red Cross (PRC) sa panawagan ng Department of Health (DOH) sa publiko na panatiling malusog sa pagpasok ng bagong taong 2025.

Ito ang tinuran ng PRC makaraang i-ulat ng DOH ang pagtaas ng mga naitatalang acute complication ng mga Non-Communicable Disease sa halos 300.

Batay kasi sa datos ng DOH, pumalo sa 139 ang naitalang kaso ng stroke habang nasa 70 naman ang naitalang kaso ng acute coronary syndrome, at 73 ang naitalang kaso ng bronchial astma.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Davao Region na sinundan ng NCR, CALABARZON, Cagayan Valley at Ilocos Region.

Kasunod nito, ini-ulat ng PRC na nakapagresponde sila ng mga naturang kaso sa ilang pangunahing lugar sa bansa partikular na ang Baguio City at Quezon City. Gayundin sa mga lalawigan ng Batangas, Camarines Norte, Catanduanes, South Cotabato, South Cotabato, at Southern Leyte

Ayon kay PRC Chair Richard Gordon, bagaman naging sabik ang maraming Pilipino na sumalubong sa Bagong Taon, pero dapat alalahanin pa rin ang paghihinay-hinay sa pagkain lalo’t marami pang pista at okasyon ang darating sa mga susunod na araw. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us