Kinilala ng isang mambabatas ang mga pagbabago sa sektor ng agrikultura sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ayon kay Navotas Representative Toby Tiangco, unti-unti nang nagbubunga ang mga reporma ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura.
Isa sa patunay dito ay ang nakamit na 95% inventory goal ng National Food Authority (NFA) sa taong 2024.
Kung saan mayroon nang higit limang milyong sako ng tig-50 kilo ng bigas na binili mula mismo sa mga lokal na magsasaka.
Una nang sinabi ni NFA Director Larry Lacson sa pagdinig ng Quinta Committee na mayroong 5.4 million bags na naka-imbak sa kanilang warehouse o katumbas ng 275,000 metric tons ng bigas.
Giit ni Tiangco, sa tulong ng mga batas at repormang isinulong ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., masisiguro natin na maganda ang takbo ng sektor ng agrikultura at ang pag-unlad ng buhay ng ating mga magsasaka. | ulat ni Kathleen Jean Forbes