Rollback sa presyo ng LPG, ipinatupad na — DOE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinatupad na ng ilang mga kumpany ng liquified petrolium gas (LPG) ang rollback sa presyo ng LPG, ngayong unang buwan ng 2025.

Nauna nang ipinatupad ng kumpanyang Solane ang bawas na P0.91 sa kada kilo ng LPG.

Habang ang Petron Gasul naman ay may tapyas na P0.90 sa kada kilo nito.

Ang Regasco naman ay ipatutupad ang nasa P0.81 sa kada kilo ng LPG.

Ayon kay Department of Energy Oil Industry Management Bureau Rodela Romero, na ang naturang tapyas sa singil sa LPG ay dahil sa pagbaba ng contract price ngayong buwan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us