Binabalangkas na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang batas sa pag-iisyu ng “sukuk” o Islamic Bonds.
Ang sukuk bonds ay bahagi ng istratehiya upang paunlarin ang Islamic Banking and Financing sa bansa dahil isa itong sikat na financial instrument sa Islamic capital market.
Nagsisilbi rin itong oportunidad para sa mga kumpanya sa Pilipinas na maging bahagi ng sukuk market.
Ayon sa SEC, ang sukuk bonds ay daan para sa international funding ng mga kumpanya, investment, at cross border flows.
Sa ilalim ng draft guidelines, papayagan ng SEC ang sukuk bonds alinsunod sa Shariah. | ulat ni Melany Reyes