Humarap sa PNP Supervisory Office on Security and Investigation Agency (SOSIA) ang security guard na sangkot sa viral video na nakaalitan ng babaeng sampaguita vendor sa harap ng isang mall sa Mandaluyong City.
Ayon sa PNP Civil Security Group (CSG), dumating sa opisina ng PNP-SOSIA kaninang ang nasabing security guard, kasama ang Operations Manager ng kanyang security agency na Redeye II Security Services, Inc., at kanilang legal counsel.
Ipinaliwanag sa kanila ng imbestigador ang layunin ng paunang imbestigasyon at ang mga kailangang isumiteng dokumento at affidavit bago ang itinakdang deadline sa January 23.
Batay sa ulat, pinag-aaralan ngayon ang maaaring ipataw na parusa sa security guard, kabilang ang posibleng multa o suspensyon ng lisensya ng kanyang security agency.
Matatandaang kinumpirma naman ng Mandaluyong City Police na hindi bahagi ng sindikato ang sampaguita vendor, taliwas sa mga espekulasyon sa social media. | ulat ni Diane Lear