Seguridad para sa Traslacion 2025, kasado na — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

All systems go na para sa Philippine National Police (PNP) ang latag ng seguridad para sa “Traslacion ng Poong Hesus Nazareno” para sa taong 2025.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, humigit kumulang 12,000 mga pulis ang kanilang ipakakalat mula sa bahagi ng Quirino Grandstand hanggang sa ruta ng prusisyon patungong Basilika Minore sa Quiapo.

Sa pagsisimula pa lamang aniya ng pahalik sa January 7, asahan na ang pinaigting na Police visibility upang tiyaking magiging ligtas at mapayapa ang okasyon.

Magkatuwang din aniya ang PNP Intelligence Group (IG) at Anti-Cybercrime Group (ACG) para mag-monitor ng anumang potensyal na banta, pisikal man o digital.

Kasama rin sa ipakakalat ang mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) para tumulong sa local traffic enforcer ng lungsod ng Maynila sa pagmamando ng trapiko gayundin sa pagpapatupad ng re-routing.

Umapela naman ang PNP sa mga nagnanais lumahok na makinig sa tagubillin ng mga awtoridad at sundin ang mga inilatag na panuntunan para matiyak ang mapayapang pagdaraos ng Traslacion. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us