Hindi sang-ayon si Senador Risa Hontiveros na gawaran ng Filipino citizenship ang Chinese national na si Li Duan Wanf alyas Mark Ong dahil aniya sa kaugnayan nito sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (PPGO).
Ginawa ng senador ang pahayag na ito sa pagtalakay sa plenaryo ng Senado ng panukalang maging naturalized Filipino si Wang.
Nagpakita pa si Hontiveros ng mga litrato ni Wang kasama si Duanren Wu, ang hinihinalang utak sa likod ng POGO sa Porac, Pampanga at isang wanted fugitive sa China.
Nanawagan ang mambabatas sa mga kapwa senador na busisiing mabuti ang background ni Wang.
Pinunto pa ni Hontiveros na sa aplikasyon nito para sa naturalization ay hindi nito binanggit na operator siya ng 9 Dynasty junket group na mayroong shared officers sa Rivendell, isang iligal na POGO scam hub sa Pasay.
Kinuwestiyon rin nito ang pagkakaroon ni Wang ng iba’t ibang Tax Identification Number (TIN), bagay na iligal o hindi pinahihintulutan.
Kaya naman kailangan pa aniyang iimbestigahan ng husto ang indibidwal na ito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion