Inamin ni Senador Raffy Tulfo na nahuli ang sasakyan ng kanyang anak, Quezon City Second District Representative Ralph Wendel Tulfo, na dumaan sa EDSA busway.
Ayon kay Senador Tulfo, pinagsabihan na niya ang kanyang anak at inutusan itong humingi ng paumanhin sa publiko.
Dagdag pa niya, ang mahalaga ay umamin at hindi tumakas sa mga otoridad ang kanyang anak.
Paliwanag ng senador, base sa kanyang kaalaman, nagmamadali umano ang kanyang anak kaya’t nagdesisyon ang driver nito na gamitin ang EDSA busway. | ulat ni Nimfa Asuncion