Ikinagalak ni Senate Committee on Energy Chairperson Senadora Pia Cayetano ang pagkakapirma bilang isang ganap na batas ng Philippine Natural Gas Industry Development Act (RA 12120).
Sinabi ni Cayetano na layon ng batas na ito na palakasin ang seguridad sa enerhiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng paghihikayat ng mga investor na tuklasin ang indigenous natural gas resources sa bansa.
Pinoposisyon rin aniya nito ang natural gas bilang transition fuel tungo sa renewable energy.
Tutugunan rin aniya nito ang matagal nang isyu ng kakulangan sa enerhiya sa Pilipinas at may probisyon para sa transparency at patas na presyo para sa mga consumer.
Binigyang diin ni Senadora Pia na makakatuong ang batas para magkaroon ang bansa ng maaasahan na lokal na suplay ng enerhiya dahil mas matatag at mas mura ang presyo ng lokal na natural gas kumpara sa mga imported sources.
Sakaling maisakatuparan rin aniya ito ay hindi na gaanong maaapektuhan ang suplay ng enerhiya ng Pilipinas ng mga pandaigdigang krisis. | ulat ni Nimfa Asuncion