SSS, kinumpirma ang 1% contribution rate hike simula ngayong Enero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na magpapatupad na ito ng pagtaas ng 1% contribution rate simula ngayong Enero 2025.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph De Claro, mula sa dating 14% magiging 15% na ang contribution rate alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act (RA) No. 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Kaakibat din nito ang pagtaas ng minimum Monthly Salary Credit (MSC) hanggang P5,000 mula sa dating P4,000; at sa pinakamataas na MSC hanggang P35,000 mula sa dating P30,000.

Sa mga ito, ipinatupad ng SSS ang huling tranche ng contribution rate at pagtaas ng MSC na nagsimula noong 2019.

Dahil sa contribution rate hike at pagtaas ng MSC,asahan na ang karagdagang koleksyon na humigit-kumulang Php 51.5-Billion sa 2025.35% nito o Php18.3-Billion ay direktang mapupunta sa Mandatory Provident Fund accounts ng mga miyembro ng SSS. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us