Submarine drone na natagpuan sa karagatan ng San Pascual, Masbate, inilipat na sa Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglilipat ng remotely operated submersible drone mula sa Philippine National Police patungo sa Philippine Navy.

Ito ay matapos matagpuan ng mga mangingisda ang naturang drone sa baybayin ng San Pascual, Masbate.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Philippine Navy upang matukoy ang pinagmulan at layunin ng naturang drone.

Sa isang pahayag, binigyang diin ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga mangingisda at iba pang maritime stakeholders.

Pinuri rin ni Xerxes ang pagiging alerto ng mga mangingisda at ang kanilang patuloy na pakikiisa sa pagbabantay laban sa mga kahina-hinalang aktibidad sa karagatan.

Tiniyak naman ng AFP na patuloy na magbibigay ng proteksyon sa maritime domain ng bansa, upang tugunan ang ganitong insidente at iba pang banta sa seguridad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us