Ipinagmalaki ni Tourism Sec. Christina Frasco ang solidong suporta ni pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isa sa dahilan kung bakit naging matagumpay ang tourism sector ng bansa.
Ayon kay Frasco, ang administrasyon ni pangulong Marcos Jr. ay nagpatupad ng mga pro-tourism policies kung saan inuuna ang sustainable development ng mga tourism resources habang sinisigurado ang pangangalaga sa mga komunidad.
Ang naturang mga patakaran aniya ay nakatutok sa pagsasaayos ng mga imprastraktura, pagsusulong ng pagpapanatili ng mga pamana ng ating lagi, at pamumuhunan sa skills development programs bukod sa iba pa.
Naniniwala umano si Frasco na ang paglago ng turismo ay dapat sama sama, kapakipakinabang at nagbibigay lakas sa mga negosyante at komunidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco