Muling umapela si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa mga opisyal ng Department of National Defense na ikonsidera ang pagtatayo ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa kanilang lalawigan upang mabantayan ang eastern seaboard ng Pilipinas mula sa mga smuggler at iba pang dayuhang manghihimasok.
Kasunod na rin ito ng ulat na kinokonsidera ang pagtatatag ng Naval facility sa Phividec Industrial Authority (PIA) business complex sa Misamis Oriental.
Ito ay para matulungan ang logistics function ng Lumbia airbase.
Aniya, hindi naman niya kinukwestyon ang lohika sa pagtatayo ng EDCA Naval site sa Phividec, ngunit mas maigi aniya na huwag ihalo ang business complex sa isang military complex.
Ang 3,000 ektarya ng Phividec ay isang economiz zone.
“While I do not question the logic and wisdom behind the plan to put up an EDCA Naval site inside the Phividec facility, I think it would be prudent for us not to inter-mix the business complex with a military complex,” ani Barbers.
Giit pa ni Barbers, mahalaga ang EDCA Naval base sa kanilang lalawigan dahil sa istratihiko nitong lugar para bantayan ang eastern seaboard ng bansa mula sa mga dayuhan na nais manghimasok para sa mga mineral. | ulat ni Kathleen Jean Forbes