Mahigit P1 ang inaasahang pagbaba sa presyo ng kada litro ng diesel habang posible namang magkaroon ng taas-singil sa kada litro ng gasolina, at rollback sa kerosene.
Ayon sa inilabas na 4-day trading result ng Department of Energy (DOE) nasa P1.30 to P1.50 ang posibleng tapyas sa kada litro ng diesel.
Nasa P0.40 o higit pa ang posibleng itaas naman sa kada litro ng gasolina.
Habang P0.85 hanggang P1 naman ang posibleng rollback sa kerosene.
Paliwanag ng DOE, ang nasabing mixed movement sa petrolyo ay bunsod ng panawagan ni US President Donald Trump ng mas mababang presyo ng langis at mas mataas na output sa Estados Unidos, gayundin sa iba pang major suppliers gaya ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC). | ulat ni Lorenz Tanjoco