Taktika ng NCRPO sa Pista ng Nazareno, ihahalintulad sa ginamit nitong nagdaang holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Konting pagbabago mula sa holiday season tactical plan ang nais gawin ng National Capital Police Office o NCRPO sa darating na Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Ayon kay NCRPO Chief PBGen Anthony A. Aberin – police visibility pa rin ang pangunahing sasandalan ng kanilang deployment dahil ito rin aniya ang naging susi ng mapayapang holiday season.

Minor modifications lang aniya sa mga tao ang kanilang ipapatupad subalit mahigit 12,000 pulis pa rin ang kanilang ipapakalat bukod pa sa mahigit 2,000 force multipliers.

Nanatili umano ang misyon ng NCRPO na siguruhin ang kaligtasan at seguridad ng lahat, sa pamamagitan ng hindi natitinag na dedikasyon nito sa serbisyo publiko, at ang mga prinsipyo ng AAA policing. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us