Nabuwag na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Kasabay nito ang pagkaaresto sa maintainer ng drug den at dalawang iba pa at pagkakumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng ₱102,000.
Matagumpay na napasok ng PDEA Agents at local Police ang drug den sa Barangay Minuyan 2 matapos ikasa ang buy -bust operation kahapon.
Kinilala ang drug den operator na si Alias Bronson, habang ang dalawang iba pa ay sina Alias Ricky, 45 taong gulang at Alias Tolits, 50 taong gulang.
Nakakulong na sa PDEA Regional Office 3 Jail Facility ang tatlong drug personality habang inihahanda ang kaso laban sa kanila. | ulat ni Rey Ferrer