Hindi pa naisusumite ng House Secretary General sa Office of the House Speaker ang tatlong impeachment complaint na inihain laban kay VP Sara Duterte.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, may ilang mambabatas na nanghingi ng extension dahil may inaasahang ika-apat pang reklamo na ihahain sa susunod na linggo.
Hindi naman na pinangalanan ni Velasco kung ilan at kung sino-sino ang mga ito.
Sakali naman aniya na matuloy ang paghahain sa susunod na linggo ay dedesisyunan niya kung ipapasa na ito sa Office of the Speaker.
“If they file it on Monday, I will have to make a decision whether I will then refer it to the Speaker or delay it further. Because, again, I’ll refer this to the Legal Department for study if there will be a 4th complaint.” ani Velasco
Mula nang ihain ang unang impeachment complaint noong December 2 ay may tatlong session days na ang lumipas ayon kay Velasco.
Batay sa rules, kailangan maitransmit ang naturang mga reklamo sa tanggapan ng House Speaker sa loob ng 10 session days. | ulat ni Kathleen Forbes