Teacher’s Dignity Coalition, hinikayat ang DepEd na magtalaga ng buffer days at academic health break sa mga susunod na school year

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang grupong Teacher’s Dignity Coalition (TDC) sa Department of Education (DepEd) na ikonsidera ang pagtatalaga ng sapat na buffer days at academic health break sa mga darating na school year.

Ito aniya ay para sa kapakanan ng mga mag-aaral, gayundin para rin sa mga guro.

Ginawa ni TDC Chair Benjo Basas ang pahayag kasunod ng naitalang mababang attendance sa pagbabalik ng klase kahapon, January 2.

Ayon kay Basas, batay sa kanilang natanggap sa ulat, bihira lamang ang mga klase na umabot sa 50% attendance.

Paliwanag nito, bagamat nauunawaan nila ang dahilan ng DepEd dito, dahil ang School Year 2024-2025 ay transition year para maibalik ang dating school calendar, mahalaga pa rin daw na ito ay ma-rationalize.

Batay na rin, anila, sa kanilang karanasan, mas pinipili ng mga bata at magulang na hindi muna pumasok pagkatapos ng pagdiriwang ng Bagong Taon, lalo na kung ipit ang araw.

Upang maiwasan ang ganitong sitwasyon sa mga susunod na taon, nanawagan ang TDC na magpatupad ang DepEd ng remedyo ukol dito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸 TDC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us