Tobacco companies, umapela sa gobyerno na paigtingin ang pagtugis sa mga smuggled tobacco products sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinuwestiyon ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang pagtaas ng bilang ng mga smoker o naninigarilyo sa Pilipinas sa kabila ng pagbaba ng halaga ng Excise Tax na nakokolekta ng pamahalaan.

Sa pinuntong datos ni Gatchalian, naitala aniyang tumaas ng 3% ang mga naninigarilyo sa Pilipinas noong 2023 mula noong 2021.

Sinabi naman ng Philippine Tobacco Institute na malaki ang posibilidad na dahil sa illicit trade o smuggled tobacco products ang pagtaas ng bilang ng mga smokers sa bansa.

Inirereklamo na rin ng ilang cigarette companies ang pagdami ng mga smuggled na sigarilyo sa Pilipinas dahil apektado ang negosyo nilang mga nasa lehitimong tobacco industry.

Sa pagdinig sa Senado, ipinakita ni Philip Morris Fortune Tobacco Co. President Gijs De Best na ang mga smuggled na sigarilyo ay walang health warning, walang tax stamp, at ibinebenta ng hanggang ₱50, habang ang mga lehitimong sigarilyo, na napapatawan ng tax, ay ibinebenta ng nasa ₱70.

Kaya naman apela ng mga tobacco companies, paigtingin ng gobyerno ang pagtugis sa mga smuggled na sigarilyo at tiyaking makakasuhan ang mga illicit traders. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us