Traslacion at pagsisimula ng election period, tinalakay sa unang Command Conference ng PNP para sa taong 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiyaking ligtas ang pagdaraos ng Traslacion ng Poong Hesus Nazareno ngayong araw gayundin ay siguruhin ang mapayapang pagsisimula ng panahon ng halalan. Ilan lang ito sa mga tagubilin ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa mga opisyal nito matapos pangunahan ang kanilang kauna-unahang Command Conference para sa taong 2025

Isinagawa ang naturang pagpupulong matapos ang kanilang New Year’s Call kasama si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa Kampo Crame kahapon.

Binigyang-diin ni Marbil na dapat maging laging handa ang PNP na panatilihin ang seguridad at kaligtasan ng publiko lalo pa aniya’t haharap ang bansa sa kritikal na mga sandali.

Bukod dito, tinalakay din sa Command Conference ang ipatutupad na bagong Organizational Structure at Staffing alinsunod na rin sa atas ng DILG. | ulat ni Jaymark Dagala

📸 PNP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us