Tricycle driver na nangaladkad ng pusa sa isang viral video, ipinatawag ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inisyuhan na ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) ang rehistradong may-ari ng tricycle na sangkot sa viral video na kinakaladkad ang isang pusa sa Malasiqui, Pangasinan.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na ang nakarehistrong may-ari ng tricycle na may plakang 206-WLY, ay ang mismong nagmamaneho din nang makuhanan ang video.

Giit nito, hindi palalampasin ang animal cruelty na ipinakita ng drayber at titiyakin na mananagot ito.

Sa ipinadalang SCO, pinahaharap ang drayber sa LTO Central Office sa Quezon City sa January 20 kung saan imbitado rin ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Pinagsusumite rin ito ng written explanation kung bakit hindi dapat suspendihin ang kanyang lisensya sa pagmamaneho sa bisa ng RA 4136 o Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Sa ngayon, naka-alarma na ang sangkot na tricycle habang ongoing ang imbestigasyon.

“Given that this case pertains to animal cruelty, we believe that your participation would be of significant interest. We hope for your positive reply and look forward to collaborating in resolving the case,” saad sa SCO. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us