Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na siguruhin ang walang patid na delivery ng PhilHealth services sa mga Pilipino.
Sa pulong ngayong araw sa Malacañang, nagbilin ang Pangulo sa kalihim na mas ituon ang atensyon sa prevention o mga programa para sa pag-iwas sa sakit, dahil mas mainam ito kumpara sa gamutan.
“An ounce of prevention is better than a pound in cure.” -Pangulong Marcos Jr.
Aniya, hindi dapat maapektuhan ang healthcare services sa kabila ng zero subsidy sa PhilHealth.
“Make sure that services of PhilHealth remain unhampered … it (zero budget) should not affect the delivery of healthcare services,” -Pangulong Marcos.
Muling binigyang diin ni Pangulong Marcos, na kasama sa mga prayoridad ng administrasyon ngayong taon ang pangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino.
Kasama rin sa direktiba ng Pangulo sa DOH, ang pagbibigay-pansin sa digitalization sa kanilang hanay upang gawing mas mabilis at epektibo ang serbisyo. | ulat ni Racquel Bayan