Inanunsyo ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco na ang Philippine tourism sector ngayon ay nagawa nang maging isang mahalagang haligi ng ekonomiya ng bansa.
Paliwanag ng kalihim, ito ay bunsod ng all-time high tourism revenue na nasa ₱760 billion nitong 2024.
Ayon sa datos ng ahensya, ang nasabing bilyong halagang kita ng bansa mula turismo ay mas malaki ng mahigit 9% kumpara sa kinita ng bansa mula sa turismo noong 2023 na mahigit ₱697-billion pesos.
Dagdag pa ng DOT, na ang kita ng 2024 ay mas malaki din sa ₱600-billion target noong pre-pandemic o 2019.
Giit ni Frasco na ang nasabing mga numero ay patunay na ang turismo sa bansa ay hindi lang naka-recover kundi nagbabago at lumalago pa. | ulat ni Lorenz Tanjoco