Umano’y panibagong international health concern na kumalat sa social media, fake news

Facebook
Twitter
LinkedIn

Fake news o walang katotohanan ang kumalat na impormasyon sa social media na may panibagong international health concern ang naitala ng health experts sa ibang bansa.

Paglilinaw ito ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Albert Domingo, kasunod ng social media post kaugnay sa umano’y epidemya dahil sa tumataas na respiratory illness sa China.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na agad silang nakipag-ugnayan direkta sa World Health Organization (WHO) upang alamin ang katotohanan sa likod ng balitang ito. Dito aniya nila napag-alaman na fake news ang impormasyon.

Minonitor din aniya nila ang nasabing bansa, at napag-alaman na hindi naman ito naglabas ng ano mang health declaration.

Sila aniya sa DOH, hindi binabangit ang bansa at ang sinasabing sakit dahil hindi naman totoo ang balitang ito.

“Ang tugon po ng DOH ay nagtanong po kami sa ating WHO officials channel sa international health regulation at minonitor natin kung meron bang deklarasyon yung bansang nasabi wala naman po, so hindi po totoo yan kung meron man pong nangyayari ay malalaman kaagad namin at mag uupdate po kami.” —Domingo

Pagbibigay diin ng kalihim, kung mayroon mang health concern na dapat malaman ang publiko malalaman agad ito ng DOH, at sila mismo ang magpapabatid sa mga Pilipino.

“Ang DOH meron tayong pruweba na tumatalab ang ating disease surveillance system. Naalala nyo po hindi pa naman nawawala yung MPOX, nung unang madeklara po yan or yung ating public health emergency noong kalagitnaan ng 2024 agaran pong nakapag tala ang DOH… Ito ang talagang pinaka matibay na patunay na umaandar ang sistema, nakakakita ng mga bagong kaso- kung kailangan makakita ang ating DOH at kami ang unang magsasabi.” —Domingo. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us