Sarado ang U.S. Embassy sa Maynila sa darating na Huwebes, Enero 9, 2025, alinsunod sa EO na inilabas ni U.S. President Biden, bilang pagkilala kay former US President James Earl Carter Jr., na namayapa noong Disyembre 29, 2024.
Dahil dito, kanselado ang lahat ng visa interviews at American Citizens Services appointments na nakatakda sa nasabing petsa. Kakailanganin namang magpareschedule ang mga nasabing apektadong aplikante.
Samantala, mananatiling bukas ang offsite Visa Application Center para sa mga aplikanteng nakatakda para sa photo at fingerprint collection.
Pinapayuhan ang mga aplikante na suriin ang kanilang mga rehistradong email para sa bagong iskedyul ng appointment. Para sa iba pang katanungan, maaaring bisitahin ang website ng Consular Section sa ph.usembassy.gov/consular/.
Si James Earl “Jimmy” Carter Jr. ay nagsilbi bilang ika-39 na Pangulo ng Estados Unidos mula 1977 hanggang 1981. Namayapa si Carter sa edad na 100 sa kanyang tahanan sa Plains, Georgia. | ulat ni EJ Lazaro