Hindi nakalusot sa Bureau of Customs ang ₱4.5 milyong na halaga ng kush o high-grade marijuana na galing Thailand.
Ayon sa BOC, naharang ang anim na parcel na naglalaman ng iligal na droga dahil sa routine inspection ng BOC sa pakikipagtungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Tumitimbang ng 3,231 grams ng kush ang nakumpiska at naka-consigned sa iba’t ibang recipient sa Pilipinas.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay patuloy ang kanilang pagtupad sa kanilang misyon na pigilan ba makapagok sa bansa ang mga iligal na droga. | ulat ni DK Zarate