Ipinatapon pabalik ng kanilang mga bansa ang 26 na mga foreigners matapos maaresto sa magkakasunod na operasyon nitong Enero 2025 sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), ang 26 na mga foreign nationals mula Malaysia at China ay kabilang sa 450 na mga foreigners na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI), Presidential Anti-Crime Commission (PACC), at BI.
Nasa 23 na mga Chinese at tatlong Malaysian ang isinakay ng BI sa Philippine Airlines at Malaysian Airlines noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, simula pa lamang ito ng mas mahigpit na deportation at masusundan pa sa mga susunod na araw.
Mula January 31 hanggang February 5 ng taong ito, nasa 57 mga foreigners ang ipinatapon din ng BI pabalik sa kanilang mga bansa na pinagmulan.
Patuloy din, anila, ang kanilang kooperasyon sa iba pang mga ahensya ng gobyerno upang mahuli ang mga foreign nationals na iligal na nananatili sa Pilipinas. | ulat ni Mike Rogas