Bukod sa mahinang pagsabog, malaking bilang din ng pagyanig ang naitala sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24-oras.
Sa tala ng PHIVOLCS, 35 volcanic earthquakes rin ang na-monitor sa bulkan.
Nagkaroon din ng 2,249 tonelada ng sulfur dioxide flux at makapal na pagsingaw ng abo na umabot ng 600 metrong taas.
Una na ring napaulat ang minor explosive eruption sa bulkan na nagdulot ng manipis na ashfall sa Sto. Mercedes at San Luis, Brgy. Sag-ang, Negros Occidental.
Nagdulot din ito ng channel-confined lahars sa Buhangin River na umabot sa La Castellana at Moises Padilla, Negros Occidental.
Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Bulkang Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa