Mahigit sa 600,000 household beneficiaries ang natulungan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula nang ito ay ma-institutionalize noong 2019.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, ang mga household beneficiary na na-assess ay may kakayanan nang masuportahan ang kanilang mga pangangailangan sa buhay.
Bukod pa rito, mayroon ding halos 40,000 dating 4Ps beneficiaries ang nakapasa na sa board exam at 65 sa mga ito ang nanguna sa iba’t ibang licensure examinations.
Binigyang-diin ni Asec Dumlao ang mga accomplishments ng programa kabilang na ang pagiging epektibo ng ginagawang pag-prioritize ng ahensya para sa edukasyon at kalusugan ng mga kabataan. | ulat ni Rey Ferrer