Matagumpay na nakauwi sa bansa ang nasa 75 Overseas Filipino workers (OFWs) at walong dependents mula sa Lebanon lulan ng Flight QR928 sa NAIA Terminal 3.
Ang mga repatriated OFWs ay agad na sinalubong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at binigyan ng agarang assistance tulad ng pagkain, transportasyon, at hotel accommodation kung kinakailangan.
Ang mga kababayan natin ay tinulungan din para makauwi sa kani-kanilang mga probinsya sa lalong madaling panahon.
Patuloy ang koordinasyon ng OWWA at iba pang ahensya ng gobyerno upang masiguro ang ligtas na repatriation ng mga natitira pang OFWs sa Lebanon. | ulat ni AJ Ignacio