Naniniwala si Makati Mayor at senatoriable Abby Binay na ang paggamit ng renewable energy ang magiging solusyon sa lumalaking pangangailangan sa kuryente ng Mindanao.
Ayon kay Binay, kasalukuyang maliit lamang ang bahagi ng renewable energy – gaya ng solar, hydroelectric, at biomass – sa kabuuang power capacity ng Mindanao.
Nauna nang sinabi ni Binay na ang pag-develop ng malinis at bagong pagkukunan ng enerhiya ay magdadala ng mas maraming mamumuhunan sa Mindanao, lalo na sa sektor ng agrikultura at pagkain.
Noong nakaraang taon, nagbabala ang mga negosyante sa Mindanao na maaaring makaranas ng krisis sa kuryente ang rehiyon pagsapit ng 2027 o 2028 kung hindi makakahanap ang gobyerno ng bagong mapagkukunan ng enerhiya.
Bilang tugon, iminungkahi ni Binay ang tax-free na pag-aangkat ng solar panels at iba pang teknolohiya sa solar energy.
Nagpanukala rin siya ng pagbibigay ng insentibo sa mga bahay at negosyo na lilipat sa paggamit ng solar power. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes