Inihayag ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas Senatorial candidate Manny Pacquiao ang kanyang suporta sa mga small medium enterprise sa bansa.
Sa isinagawang campaign rally sa Pasay, sinabi ng dating senador, na malaki ang epekto sa ekonomiya kapag patuloy na lumago ang mga maliliit na negosyo.
Bukod sa paglikha ng trabaho ay aangat ang buhay ng mga Pilipino.
Samantala, umapela din ang boxing champ ng pagkakaisa sa mga lider ng bansa.
Aniya, ang patuloy na bangayan, alitan at crab mentality ang higit na nagpapahirap sa mga mamayan. | ulat ni Melany V. Reyes