Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Atty. Luis Meinrado Calano Pangulayan, bilang bagong Commissioner ng Civil Service Commission (CSC).
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong hapon (February 10).
Papalitan nito sa pwesto si Commissioner Aileen Lizada na ang termino ay natapos, ikalawa ng Pebrero, 2025.
Si Pangulayan, una na ring nagsilbi bilang direktor ng Career Executive Service Board (CESB).
Ang appointment papers ni Pangulayan, ay pirmado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ika-10 ng Pebrero, 2025. | ulat ni Racquel Bayan