Nagpapaunlad sa kabuhayan ng mga residente at sa eco-tourism site ang bagong access road na pinagawa ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) sa may Barangay Balas sa bayan ng Aurora sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ang halos 2KM access road ay pinondohan ng Kagawaran ng P30-million.
Ito’y naging gateway papuntang Balas River Cruise sa bayan ng Aurora na dinadayo ngayon ng mga turista.
Ang konstruksyon ng 4-lane na kalsada ay pinangasiwaan ng DPWH-Zamboanga del Sur 1st District Engineering Office.
Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, regional director ng DPWH-9, ang sementadong access road ay nagbibigay nang ligtas at maaliwalas na byahe ng motorista, at pinapalago rin ang turismo at negosyo sa lugar.
Ang direktang benepisyryo ng proyekto ay ang mga magsasaka sa lugar na maghahatid ng kanilang mga produkto sa merkado.
Dagdag ni Director Dia, ang access road ay magiging susi sa kaunlaran ng bayan ng Aurora. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga
DPWH Regional Office-9