Bilang pagtugon sa pagtaas ng demand ng mga manlalakbay sa buong bansa, binuksan na ang bagong Transport Network Vehicle Service (TNVS) pickup station sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Ayon kay PEEKUP CEO Dave Almarinez, sinisiguro nilang malinis at maayos ang mga driver (pilots) na walang mangongontrata, dahil ito ay pinapagana ng fare matrix mula sa LTFRB upang maiwasan ang anumang panloloko at gawing mas abot-kaya ang pamasahe para sa mga pasahero.
Dagdag pa niya, tiniyak nilang magiging komportable at ligtas ang mga mamamayan at turista na magbo-book sa kanilang serbisyo.
Samantala, binibigyan ng 20% discount ang mga OFW na magbo-book dito basta’t magpakita ng patunay ng kanilang pagiging OFW at isang dokumentong aprubado ng OWWA. May fixed discounts din para sa mga estudyante, PWD, at senior citizens.
Available ang pickup station sa arrival areas ng NAIA Terminals 1 hanggang 3, na may 24/7 operasyon at may biyahe nationwide. | ulat ni AJ Ignacio