Binigyang diin ngayon ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na hindi natatapos ang trabaho ng pamahalaan sa pagkakaalis ng Pilipinas mula sa Financial Action Task Force (FATF) grey list.
Giit ni Salceda, kailangan pa ng batas laban sa bulk cash smuggling at pag-alis sa absolute bank secrecy.
Partikular aniyang mahalaga ang pag-amiyenda sa bank secrecy dahil nakakabalam ito sa awtomatikong palitan ng impormasyon sa pagitan ng tax jurisdictions ng mga bansa.
Oras na maayos ito, mahuhuli aniya ang mga Filipino tax evaders na nagtatago abroad, gayundin ang mga foreign tax evaders na dito naman sa Pilipinas tumatakbo para tumakas sa pananagutan. | ulat ni Kathleen Forbes