Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na itinaas na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang benepisyo na ibinibigay nito sa mga pasyente na may dengue.
Sa abiso ng DOH, ang dating ₱10,000 na ibinibigay sa mga may Dengue Fever ay itinaas na sa ₱19,000.
Ang mga may severe dengue naman ay tatanggap na ng ₱47,000 mula sa dating ₱16,000.
Kaya naman, umaapela ang PhilHealth sa mga may dengue na huwag hayaan na lumala ang naturang sakit at magtungo na agad sa ospital dahil sagot nila ang pagpapagamot. | ulat ni Mike Rogas