Sa opisyal na pagsisimula ng campaign period para sa 2025 Midterm Elections, muling pinagtibay ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang paninindigan nito sa non-partisanship.
Sa isang pahayag, tiniyak ng BFP na lahat ng tauhan nito ay nananatiling neutral at walang kinakampihang partido politikal.
Mananatili rin umano ang BFP sa tungkulin nitong maglingkod at protektahan ang lahat ng mamamayan, anuman ang kanilang politikal na interes.
Kasabay nito, hinikayat ng BFP ang mga tauhan nito at ang lahat ng mamamayan na gamitin ang kanilang karapatang bumoto sa nalalapit na May 10, 2025 Midterm Elections. | ulat ni Merry Ann Bastasa