Pumalo na sa 6 ang bilang ng mga nasawi partikular na sa Palawan dahil sa mga nararanasang pag-ulan dulot ng shearline ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa datos, 1 ang nawawala sa Oriental Mindoro na siyang tinututukan ng nagpapatuloy na operasyon.
Samantala, aabot naman sa 30K pamilya o mahigit 107,600 indibiduwal ang apektado ng masamang panahon mula sa 116 na barangay sa mga alalawigan ng Palawan at Oriental Mindoro.
Buhat sa nasabing bilang, aabot sa mahigit 2K ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.
Ini-ulat din ng NDRRMC na nananatili sa 9 na lugar sa Palawan at Oriental Mindoro ang nananatiling lubog sa baha habang mayroon pang 1 kalsada sa Romblon ang hindi rin madaanan ng mga motorista.
Samantala, sinabi rin ng NDRRMC,na nasa 4 na bayan sa Palawan ang nakapailalim sa State of Calamity dahil sa epektong dulot ng shearline. | ulat ni Jaymark Dagala