Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa mga kahina-hinalang website na gumagamit ng pangalan o logo ng BSP.
Hinihikayat ng BSP ang taumbayan na maging mapanuri at agad ipagbigay-alam ang mga kahina-hinalang mensahe sa tanggapan ng BSP.
Samantala, payo ng Central Bank na makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account, credit card, o personal na impormasyon.
Sakaling hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko o e-money issuer ang hinaing, ipagbigay-alam agad ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes