Muling nagpaaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa publiko partikular ang mga nakatira malapit sa Bulkang Taal sa Batangas, na manatiling nakaalerto at sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan.
Kasunod ito ng isa na namang phreatic o pagbuga ng usok o steam na naitala mula sa main crater ng Bulkang Taal kagabi.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagsabog bandang alas-8:01 kagabi na tumagal ng tatlong minuto at nagresulta sa isang plume, na umabot sa taas na 900 metro.

Sa inilabas ding bulletin ng PHIVOLCS, nagkaroon din ang Bulkang Taal ng 12 volcanic earthquake kabilang ang 11 tremors sa nakalipas na 24 oras.
Sa kabila naman ng phreatic eruption ay nananatili pa rin sa Alert level 1 ang Taal Volcano. | ulat ni Merry Ann Bastasa