Nanawagan si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga senador na ipasa ang counterpart bill ng panukalang nagbibigay awtoridad sa Department of Health upang kumuha ng mga espesyalistang doctor para sa OFW Hospital.
Sa ilalim ng House Bill No. 8325 na inaprubhan ng Kamara, ay nagbibigay daan sa DOH na kumuha ng mga eksperto sa ibat ibang larangan ng medisina tulad ng cardiology, pulmonology, at nephrology upang tumulong sa paggamot ng mva OFW at kanilang pamilya.
Bukod dito, pinapayagan din ang ospital na magimbita ng mga banyagang espesyalita sa mga larangang hindi pa ganap na natutugunan sa bansa.
Ayon kay Villafuerte, layunin ng HB na gawing komprehensibo ang serbisyo ng OFWH para sa mga OFWs at kanilang mga dependents.
Sa ngayon ang OFWH sa Pampanga ay may 50 bed capacity at natulungan ang 8600 na pasyente.
Ngayong taon, may alok na din na serbisyo ito sa mga may kanser at sakit sa bato. | ulat ni Melany V. Reyes