Papalayo na sa bansa ang Chinese research vessel na na-monitor sa karagatang sakop ng Palawan.
Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, batay sa kanilang monitoring as of 2:40 PM nasa 71 nautical miles West Northwest ng Sabtang Island, Batanes na ang Lan Hai 101.
Nasa 10.5 knots umano ang bilis nito at pabalik na ng China.
Nauna ng sinabi ni Rear Admiral Trinidad na walang paglabag ang Chinese research vessel dahil dumaain ito sa innocent passage.
Matatandaang nang unang mamataan ang barko, agad nagpadala ng radio challenge ang Pilipinas. Sumagot naman ito at nagpaliwanag na umiiwas lamang sila sa maalong karagatan sa kanlurang bahagi ng Palawan.
Iginiit din ng Chinese research vessel na sila ay dumadaan sa innocent passage. Dahil dito, ineskortan ito ng BRP Andres Bonifacio ng Philippine Navy at BRP Melchora Aquino ng Philippine Coast Guard. | ulat ni Diane Lear