Nagbabala si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela kaugnay sa mga pro-China vloggers na nagpapakalat ng mga maling impormasyon para ilihis ang katotohanan sa isyu ng West Philippine Sea at lituhin ang mga Pilipino.
“It is important to note that one of the greatest challenges facing the Philippine government in the West Philippine Sea, aside from China’s bullying, unlawful activities, and aggressive actions, is combating the spread of fake news and disinformation that obscures the true narrative of events in the West Philippine Sea, leading to confusion and division among our people,” giit niya.
Tinukoy ni Tarriela ang limang argumento na madalas ginagamit ng pro-China vloggers sa kanilang disinformation efforts.
Una dito ang paghamon sa legal standing ng Pilipinas at hindi pagkilala sa 2016 arbitral ruling; pagtuturo na ang Pilipinas ang nangunguna sa komprontasyon sa karagatan kabilang ang banggaan ng mga barko; pagiging sunud-sunuran ng Pilipinas sa US; defeatist mentality na walang kakayanan ang Pilipinas na humarap sa China at mauuwi lang ito sa giyera; at paninisi sa Marcos Administration na pinapalala lang ang tension.
Ang ganito aniyang mga taktika ay para magkawatak-watak ang publiko, magdulot ng pagdududa at pahinain ang loob ng bawat isa na tumindig sa ating maritime rights.
Paalala niya na para maisakatuparan ang commitment ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na depensahan ang soberanya ng Pilipinas ay kailangan mapagkaisa ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng totoong sitwasyon sa West Philippine Sea.
Kaya’t malaki ang kaniyang pasasalamat sa Kongreso sa pagkakasa ng pagdinig para labanan ang fake news, disinformation at misinformation sa social media lalo na at isa ito sa pinakamalaking banta sa pagsusumikap ng gobyerno na protektahan nag West Philippine Sea. | ulat ni Kathleen Forbes