Ngayong papalapit na ang eleksyon nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko sa maglilipanang artificial intelligence o AI, na gumawa ng pekeng video, larawan at artikulo.
Sa social media post ng COMELEC, ipinakita ang deep fake video gamit ang nauusong AI na nagbibigay ng fake news..
Makikita sa pekeng video na inaanunsiyo ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, na hindi na matutuloy ang halalan sa Mayo gayundin ang BARMM Parliamentary Elections.
Apela ng COMELEC sa publiko, agad i-report ang ganitong pangyayari sa Task Force Katotohanan, Katapatan at Katarungan na makikita online.
Makikita ang lehitimong anunsiyo ng COMELEC sa kanilang official social media account, at mga lehitimong media outlets at news sites. | ulat ni Don King Zarate