Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na makipagtulungan nang maigi sa DICT at sa National Privacy Commission upang magsagawa ng regular na security audits, magpatupad ng mas mahigpit na data protection protocol, at paigtingin ang cybersecurity training ng mga tauhan nito.
Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng napaulat na data breach sa PCSO.
Bagama’t sinabi na ng PCSO na fake news ang impormasyong ito, iginiit ni Gatchalian na hindi ito dapat balewalain ng DICT.
Kailangan aniyang panatilihin ang pagiging alerto at transparency sa pagtugon sa mga banta ng cyberattacks.
Kaya naman dapat lang aniyang mas patatagin ng mga government agencies ang kani-kanilang cybersecurity infrastructure.
Ipinunto ni Gatchalian na mas nagiging mautak na ang mga cybercriminal at kailangang mag-evolve rin ang ating depensa upang makaagapay sa ganitong mga banta. | ulat ni Nimfa Asuncion