Dadalhin na ng Department of Agriculture ang programang KADIWA ng Pangulo sa piling kampo ng pulisya at militar sa buong bansa.
Isang kasunduan ang nilagdaan ng Department of Agriculture, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines para palawakin ang KADIWA ng Pangulo.
Ang inisyatibang ito ay layong mabigyan ng direktang access ang mga magsasaka at mangingisda sa mga pamilihan na maaaring pagbentahan ng kanilang ani.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kasamang malalagyan ng mga tindahan ng KADIWA ng Pangulo sa parehong punong-tanggapan ng PNP sa Camp Crame at sa punong-tanggapan ng AFP sa Camp Aguinaldo.
Mag-aalok ito ng abot-kayang presyo at mga sariwang produktong agrikultura. | ulat ni Rey Ferrer